Chapter Twenty Seven : The Surprise Homecoming
It was a Wednesday morning at sa di malamang dahilan eh ang ganda talaga ng gising ko.
Wala namang special this day kaya medyo confused ako. Oh well , at least alam kong masaya ako.
Nothing unusual , pero bigla na lang nagbago ng may bago na namang dumating sa classroom namin. Maganda sya , maputi at medyo brownish ang buhok. Medyo maliit sya ng konti sakin at masasabi kong mas maganda pa din talaga ako kahit alam kong echoss ko lang yun. pero promise maganda talaga yung bago kong kaklase , short haired lang sya na hanggang balikat lang .
“ hi goodmorning , my name is Cassandra Elisé Juille. I’m just a temporary student from paris, and it’s nice meeting you all. Don’t worry , marunong naman akong magtagalog kaya sana maging kaibigan ko kayo lahat. ” Sabi nya sabay ngiti samin.
“ anong gusto mong itawag namin sayo ? ” tanong isa naming kaklase.
“ well , I prefer Elisé. Just call me elisé na lang ..” sagot naman nya.
Napatulala lang ako sa narinig ko. Sya si Elisé ? hindi ako pwedeng magkamali dahil galing syang paris pero ano namang ginagawa nya dito ? syempre para makita ciel. Pero habang tinitignan ko sya imposibleng isa syang fling. There’s must be something. Like they really have something to each other. Imposibleng hindi magkagusto si ciel sa isang babae tulad nya !
“ hello , pwede ba akong umupo sa tabi mo ? ” tanong nya sakin. her voice was graceful and so mesmerizing.
“ ah , sure . nice to meet you ako si louisé ” sabi ko sabay abot ng kamay ko sakanya and nagshake hands kami.
“ Nice to meet you din louisé , grabe , ang ganda mo pala sa personal. ” sagot naman nya sakin habang nakangiti.
“ kilala mo ako ? ” natanong ko bigla sakanya.
“ yes , reader ako ng foxy magazine at nakita kita dun. Ang ganda mo nga eh , you look like a real vampire.”
“ ahh . haha salamat.” Sagot ko naman.
Kinabahan ako. Akala ko kilala nya ako dahil alam na nya ang tungkol sa closeness namin ni ciel. Woosh ! ><
“ bakit ka nga pala lumipat dito ? ” tanong ko sakanya bigla.
“ kasi , I just want to see him.” Sagot naman nya.
“ see ? who ? ”
“ Si Joshua. Do you know him ? ”
“ ah , si black prince. Bakit , ikaw ba ang girlfriend nya ? ”
“ huh ? no , I’m not. but , I hope so. Ang tagal ko na kasi syang hindi nakikita eh. I just missed him that’s all.”
“ you were in love with him , didn’t you ? ”
“ you think so ? well I guess that’s right.” Sabi nya sabay ngiting wagas sakin.
Hala ka , baka pag nakita nya kami ni ciel na magkasama eh bigla nya akong sakmalin dahil sa selos. Tama iwas mood na naman muna ako para sakanya. para kasing ang hirap saktan ng tulad nyang mukhang anghel sa kabaitan. Wew .. =.=
Then nung recess , umupo sya sa tabi namin, at ipinakilala ko naman sya kala rio at micah. Pero bigla na lang akong napaiwas nung nakita kong papalapit si ciel at julian sa table namin. Kelan pa sila naging close ?
“ hey ! ” sigaw ni ciel.
“ Joshua ! ” sigaw agad ni elisé sabay yakap dito.
“ e- elisé ? what are you doing here ? ” tanong agad nya.
“ nothing , I came all the way from france just to see you. Did you miss me ? ” sagot naman nito.
“ what ? ba’t mo naman ginawa yun ? and hindi ka pa nagsabi.” Sabi naman ni ciel na parang galit ata.
“ well I told claire about this.”
“ hi julian , hi ciel.” Singit ko bigla.
“ Hi Louise ^.^ ” sagot nila ng sabay at nakangiti.
“ well , buti na lang at nandito kayo , sya nga pala julian sya si elisé new classmate ko. And I guess Jowaskii ni ciel.” Pang aasar ko pero deep inside I feel irritated.
“ oh ..” sagot lang ni julian. “ nice to meet you , I’m julian.” Sabi naman nya.
“ hoy ! hindi ko sya girlfriend noh ! anong sinasabi mong jowaskii ka dyan? ” sigaw naman ni ciel sakin.
Tumawa lang ako , na parang nangaasar sakanya. sige pa asarin mo pa sya , dahil sa ginagawa mo mas pinapainit mo lang ulo mo. Baliw ka talaga louise ! nagseselos ka talaga !!
Tinitignan ko lang silang dalawa habang pilit syang niyayakap ni elisé. Nakangiti lang ako , na parang tanga. Oo as in tanga talaga ! as if namang natutuwa ako sa nakikita ko no !
“ asan ka nga pala julian nung closing party natin ? ” tanong bigla ni micah kay julian.
“ I was on student council’s office. analizing the papers like yung gastos dun sa festival.” Sagot naman nya.
Napatingin ako’t nafeel guilty. Nanghihinayang siguro sya sa chance na makasama ako and yet ako , nagsasaya at hindi man lang sya inisip. Poor julian. Hindi ko masabi na si ciel ang gusto ko kaya patuloy pa din syang umaasa.
“ why are you staring like that ? ” sabi nya sabay kurot ng pisngi ko.
“ kawawa ka naman pala. Hindi mo man lang naenjoy yung party dahil busy ka.” Sagot ko naman.
“ oo , sad nga ako eh. Pero hindi dahil sa hindi ko ito na enjoy..”
“ kasi hindi mo ako nasayaw ? nanghihinayang ka sa chance na makasama’t makasayaw ako tama ? ”
“ ang galing mo ! well , I guess may prom pa naman diba ? ”
“ hindi ako pupunta. Kaya asa ka pa ! ” sagot ko naman sabay tawa.
“ Bad . your not fair ! ”
“ wait , are you two are couple ? ” tanong bigla ni elisé samin.
“ hindi ah . friends, yun kami ..” sagot ko agad. Todo depensa.
“ talaga ? ang sweet nyo kasing tignan eh.” Sagot naman ni elisé.
“ shit ! ” nasabi bigla ni ciel sabay alis. Tapos sinundan naman agad sya ni elisé.
Nagalit bigla . Hala ! , nagseselos din sya. grabe , imbis na mag alala ako eh mas matutuwa pa ako. Hay naman.. ^o^
After class umuwi na ko samin. Well gusto kong magprepare ng wonderful dinner para samin ng daddy ko. Mushroom Ravioli tsaka steak na lang siguro. Para tuloy akong nakikipagdinner date sa daddy ko nyan. Haha
“ Daddy , gusto mo po ng wine ? ” tanong ko sakanya.
“ ano bang nakain mo at ganto kaganda ang mood mo ngayon ha ? may nangyari ba ? ” tanong naman nya sakin habang nakataas ang kilay.
“ no , not really dad. Namiss ko lang mag luto para sayo ng ganto kabongga. Hindi po ba kayo nag enjoy? ” tanong ko naman sakanya.
“ no , I like it. Naalala ko lang yung first dinner date namin ng mommy mo. Kulang na lang ang mga candle lights at yung sound ng violin. ” sagot naman nya sabay ngiti.
“ dad , I don’t mind kung gusto mo pa ulit mag asawa. I can live with my own now. 16 yrs. Old na po ako. Ayoko lang po forever kayong malungkot.” Sabi ko naman with low and anxious voice.
“ ano bang sinasabi mo ? louise , masaya at kontento ako sa buhay ko. Balang araw maiintindihan mo din kung bakit hindi ko pa kailangan ng asawa.” Sagot naman nya.
“ dad , gusto ko pong pumunta sa london.” Sabi ko bigla.
“ huh ? bakit ? anong gagawin mo dun ? ” tanong nya naman sakin ng nakakunot ang noo.
“ I’m just thinking lang kasi, since nung namatay si mommy hindi na ako nakadalaw sakanya. at tsaka baka pag pumunta ako dun masagot ko na lahat ng questions ko.” Sagot ko naman sakanya.
“ No ! sorry but you can’t.”
“ dad ! gusto ko din pong makita ang lolo’t lola ko, or kahit tita o tito ko man lang. gusto ko pong makilala yung ibang kamag anak natin. ”
“ sorry but this conversation is over.” Sabi nya sabay tayo then magwawalkout sana.
“ daddy ! hanggang kelan mo ba itatago sakin ang lahat ? alam mo bang lagi na lang akong ginugulo ng mga alaala ko ! lagi kong nakikita sa mga alaala ko yung gabing nabaril si mommy ! dad.”
“ no louise , it’s for your own good. Mas mabuti ng nandito tayo .” at tuluyan na syang umalis.
Napayuko lang ako. Very dissapointed. Siguro may nangyaring hindi maganda noon , siguro nga may tinatago si daddy sakin. or maybe may alam sya about sa noire. Ayaw nya din makilala ang ibang kapamilya namin. Weird. Aalamin ko yun. gagawin ko ang lahat kung kinakailangan.
Then lumabas muna ako para magpahangin. Pumunta ako sa park at umupo dun sa bench na madalas naming inuupuan. Nakatingala lang , habang pinapalamig yung kape. Dala ko din yun headset ko at dun nag soundtrip na lang para gumaan gaan naman yung nararamdaman ko.
Si ciel at elisé kaya ? kamusta na kaya sila ? siguro dahil nagkita sila itutuloy na ulit nila yung love story nila gaya ng sabi ni claire. siguro hanggang dito na lang ako. Alam ko naman na si Ciel ang SKY, Mahirap abutin . hayy . ito na ang limit ko. The show is over.
Para lang pala akong nagbabasa ng isang magandang libro. Exciting yung una kahit kala mo medyo boring pero pagdating nung gitna naging exciting din . kaya nga lang , lahat naman ng ending. Pero sana may book two pa ‘tong story ko. Kasi ayokong matapos lang ng ganun ganun lang. bitin ako eh.
“ ikaw ha ! hindi ka nagsasabi na tatambay ka ulit dito! Pano na lang kung may nangyari sayo ? ”
“ oo nga eh . ” sagot ko naman habang nakatingala padin.
“ Hoy !! ” sigaw pa nya.
“ ba’t kailangan sumi—” sigaw ko sana pero napatigil ako sa nakita ko. “ Ciel , anong ginagawa mo dito ? ” tanong ko habang gulat na gulat.
“ galing ako sa bahay nyo , pero sabi ng daddy mo lumabas ka daw. Tinext kita pero hindi ka naman nagrereply. Tinatawagan kita pero no answer. Kaya ayun.” Sagot naman nya sabay upo sa tabi ko.
“ ba’t mo ako hinahanap ? may kailangan ka ba sakin ? may sasabihin ka ba ? ” tanong ko naman sakanya habang nakataas ang isang kilay.
“ ahmm . well , about kay elisé ”
“ mabait si elisé , and I’m sure she’s exempted sa mga flings mo tama ? ”
“ well , honestly yes. But I’m telling you it’s not love. ”
Pinilit kong ngumiti na parang normal lang. “ why not ? or maybe you like her , right ? ”
Nag nod lang sya sabay yuko.
“ I see. Good thing hindi masasayang ang pagpunta nya dito. Nga pala , bakit mo sinasabi sakin ang tungkol kay elisé ? are you afraid na sabihan kitang liar ? ” tanong ko sakanya.
“ hindi naman sa ganun pero –”
“ what’s your problem then ? ”
“ baka kasi , kung anong isipin mo kapag niyayakap nya ako eh.” Sagot nya sakin with anxious eyes.
“ silly me ! eh ano kung ganun nga ? too worried for me ? ”
“ oo ! e kasi .. kasi , ”
“ Ok lang ako ciel ! you like her , and what’s wrong sa pag e-embrace nya sayo ? and anong meron sakin ? ikaw talaga , masyado kang madaming iniisip !! ” sabi ko naman habang hinahampas yung balikat nya.
“ it’s weird. I do like her , but not much as I do for you. May gusto akong sabihin sayo pero hindi ko masabi. Maybe next time .. yun kung may next time pa ako.” sabi nya sabay yuko ulit. Dissapointed. Tsk tsk.
“ well , kayang kaya ko yun. you should be worry for yourself instead of me. Kaya mo yan ! goodluck black prince.” Sabi ko sabay tayo .
Hindi ko na sya hinintay na makapag salita sa halip eh , tinakbuhan ko sya’t dali daling umalis.
Bakit ko ginawa yun ? hindi ko din alam. Una , dahil hindi pa sya ready. Pangalawa , wala sa katinuan ang utak ko dahil sa mga nangyayari. Pangatlo , bumalik at umamin na syang gusto nya si Elisé.
Anong gagawin ko ? alangan pwersahin ko syang ako na lang ang gustohin nya. Hindi naman pwede yun dahil hindi ko naman alam kung anong tumatakbo sa utak nya at kung anong nararamdaman nya. Naguguluhan ako.
Pag uwi ko , umihiga lang agad ako sa kama ko ng nakapatay din ang ilaw. Hindi ako makatulog. ngayon ko lang naintindihan na , kapag nalaman ni elisé ang tungkol samin ni ciel kung meron man baka hindi na nya ako kausapin at sa halip eh magalit pa sya. ayokong mangyari yun. ayokong mawalan ng bagong kaibigan. Pero pano naman ang nararamdaman ko ? itatago ko na lang ba ito tulad ng dati ? hindi ko na alam. Haiist =.=