Chapter Twenty Eight : The Black Prince fell inlove with the Stubborn Thief
“ so ? well nakwento ko naman na pianist ang mommy ko diba ? so anong aasahan mo , malamang pianista din ang anak nya ! STUPID ! ”
Sabi ko sakanya yan nung kinukulit nya ako dahil sa pagtugtog ko dun sa kuya nya. Baliw na lalaki ! parang yun lang eh ! eh sya nga ..
“ louise …” sabi ni ciel na paawa yung boses.
“ haiis .. next time , ok ? ” sagot ko naman.
Maya maya may lumapit saming magandang babae. medyo matured na yung itsura nya pero maganda talaga. elegante at mukhang mayaman .
“ hello ..” sabi nya samin.
“ ikaw pala lalaine. Kamusta long time no see ah.” Sabi naman ni ciel sakanya.
“ sino sya ? ” tanong ko naman.
“ sorry , meron pala kayong bagong kasama..” sabi nya sabay tabi kay jerome. “ ako nga pala ang asawa ni jerome. It’s nice to meet you , anong pangalan mo ? ” sabi nya sakin.
Nagulat lang ako sa sinabi nya. Ang 21 yrs. Old na si Jerome , MAY ASAWA NA !!!???? agad agad ??
“ ah , ako po si louise . it’s nice to meet you din ” sabi ko naman.
“ nagulat ka siguro sa sinabi ko no ? haha .” sabi ni lalaine sabay tawa lang.
“ pano ? bakit ? ate lalaine , ikaw ba ay –” sabi ko.
“ nako hindi ah ! tradisyon na kasi sa pamilya nila hon yun.” sabi nya sabay ngiti.
“ ganto kasi yun , nakaugalian na sa pamilya ng mga le Blanc ang magpakasal sa edad na 21 , at 18 naman pag sa babae. hindi ko alam kung bakit ganyan kaaga pero never pa nilang brine-brake ang tradition.” Paliwanag naman ni ciel.
“ tama ! kaya pag naging 21 na si joshua , magpapakasal na kami ” eksena naman ni elisé sabay yakap sa braso ni ciel.
“ ano ba , layuan mo nga ako ! hinding hindi ako magpapakasal sayo no !! ” sigaw naman nya.
“ arrange marriage pala ..” sabi ko naman habang tinitignan sila.
Ayon sa mga telenovela at librong nababasa at napapanuod ko eh , talagang may ganto sa mga kilala at matataas na pamilya. Once na naghayag na sila ng isang arrange marriage eh mukhang mahihirapan na ang iba na mapigil pa yun. so , si elisé at si ciel ay …
“ hindi kita papakasalan kahit kailan ! dahil may iba ng nakatalaga sakin !! ” sigaw bigla ni ciel.
Napatingin kami bigla sakanya. ibang nakatalaga ? at sino naman yun ??
“ sabihin mo , Sino sya ?? mas maganda ba sya kesa sakin ? mas mabait kesa sakin ? mas mayaman ?
Mas mahal ka ba nya kesa sa pagmamahal na binibigay ko sayo ? sabihin mo , sino sya !!! ” sigaw ni elisé.
Hay , hindi talaga mawawalan ng mga dramatic momments ang mga party na tulad nito. Makalayas na nga at baka madamay pa ako .
“ Maganda sya , Mabait , Malakas at Matalino. Pero Clumsy din sya at sobrang stubborn. Hindi sya mayaman tulad mo , o tulad natin lahat dito. Mahal ko sya at sapat na yun ..” sagot bigla ni ciel.
Edi napatigil naman ako sa paglalakad. Hindi muna ako nakaharap sakanya kasi nagulat ako sa narinig ko. Ako ba yun ? ako ba yung babaeng tinutukoy nya ? o nagiilusyon lang ako ?
“ wow Bro ! umaasenso ka na !! haha ” sabi naman ni jerome habang pumapalakpak.
“ Hindi ko ‘to matatanggap !!! ” sigaw ni elisé habang tumatakbo palayo.
Kawawa naman sya. ang sama talaga nitong lalaking ‘to. Sinaktan na naman nya ang damdamin ng isang inosenteng babae. tsk . tsk.
“ anong nangyari ? ” tanong ni kaira sakin.
“ malay ko ..” sagot ko naman sakanya.
“ hey hey ! may gustong makipagkilala satin mga girls !! ,andun sila oh ! ” sabi ni kate sabay turo dun sa table ng mga lalaking *eheem* gwapo din.
“ alam nyo ba , kasama nila si ethan ! ang gwapo talaga nya !!! ” sigaw naman ni mina.
“ ethan ? parang narinig ko na yung pangalan na yun ..” sabi ko naman bigla.
“ duh ! si ETHAN JAID ! yung sikat na idol ! ang dream guy ng lahat ng kababaihan.” Sabi naman ni kate.
“ huh ? isa pala syang singer.” Kaya pala ang lakas ng loob nyang magreklamo. Tss . mayabang !
Maya maya bigla nila akong hinila papunta sa table nila. Gosh ! pano na lang pag nakita ako ni ciel dito. Tsaka asan sila rio , micah at julian ? nakow. Mas gusto ko pang sumama sakanila kesa sa mga lokong ‘to eh !!
“ we’re back ! at may bago kaming kasama.” Sabi naman ni kate sabay hila sakin paharap sakanila.
“ sya nga pala si Louise . kaibigan din namin sya .” pakilala naman ni mina sakanila.
“ wow , maganda pala ‘tong kaibigan nyo.. hello ” sabi naman nila sakin. ngumiti lang ako sabay iwas ng tingin.
“ it’s nice to meet you again ..” sabi bigla ni ethan sakin.
“ what ? are you talking to me ? ” tanong ko naman sakanya. kunwari di ko narinig para mapahiya sya ! bwahahahaha !!! >.<
“ yes . did you still remember me ? ” tanong nya.
“ ah ! yes ! I do now.” Sagot ko naman sabay ngiti.
Salita lang sya ng salita habang ako lumilipad ang isip ko sa kung saan. Naiintriga pa din sa sinabi ni ciel kanina. kung ako nga yung babae na yun , sinabi lang ba nya yun para makaiwas sya kay elisé o he really did mean it ? hayyy ewan !! gusto ko tuloy malaman ! kaso nahihiya naman akong magtanong.
“ andito ka lang pala ..” sabi bigla ni ciel sabay hawak sa kamay ko . “ kanina pa kita hinahanap eh.”
“ huh ? ba-bakit ?? ” tanong ko naman habang nakatingin sakanya.
“ wala basta” sagot nya sakin sabay tingin kay ethan. “ hey ethan pahiram muna sakanya ha ? ” sabi naman.
“ sure ..” sagot naman ni ethan.
“ magkakilala kayo ???? ” napasigaw ko bigla.
“ bestfriend ko yan , ano ka ba ! mamaya ka na magtanong tara lalayas muna tayo !! ” sabi bigla ni ciel sabay hila sakin palayo sa may party.
Dinala nya ako sa isang seashore malayo layo dun sa venue nung party. Hindi ko alam kung bakit pero umupo na lang ako’t nagpahinga. Tinanggal ko yung ipit ko sa buhok pati na din yung sandals ko nakataas taas ng heels.
“ bakit mo nga pala ako dinala dito ? may nangyari ba ?? ” tanong ko sakanya.
“ wala , gusto ko lang magpahinga at lumayo sa kaingayan. ” sagot naman nya sakin habang nakatingin dun sa dagat.
“ ah , ganun ba.” Sabi ko naman sabay yuko naman.
Akward naman ng sitwasyon ko. Una gusto ko syang tanungin kung ako ba yung babaeng tinutukoy nya about dun sa kanina. Pangalawa , gusto kong malaman kung totoo ba yun. at Pangatlo , gusto kong sabihin yung nararamdaman ko sakanya.. ngayon na.
“ ANO ! ” sabi namin ng sabay.
“ sige ikaw muna ..” sabi din namin ng sabay.
Sabay nagtawanan na lang kami. At least nabarag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at nabawasan ang akwardness dito.
“ heto na naman tayo ..” sabi ko bigla.
“ onga eh .. haha parang yung dati lang.” sabi naman nya.
“ kung makapagsalita ka , parang ang tagal na nating magkakilala ah ..”
“ haha oo nga .”
“ parang ganto din yung ginawa mo dati diba ? it’s either na may gusto kang sabihin o may gusto kang malaman sakin. so ano ba yun ? bakit mo nga ako dinala dito ? ” tanong ko bigla.
“ kasi may sasabihin ako. Sasabihin ko na yung dating hindi ko nasabi.” Sagot naman nya.
“ go ahead . sabihin mo na ..”
“ mahal kita ..” sabi nya bigla.
Nanlaki bigla yung mga mata ko sa narinig ko. Heart pounding and blood rising.
“ huh ?? ma-mahal mo .. A-ako ?? ” tanong ko na medyo pasigaw.
“ mmm-hmmm ..” sabay nod nya.
“ to-totoo ba yan ?? ”
“ mmm-hmmm ..” sabay nod ulit nya.
Sabay napakagat labi lang ako. Gusto kong sumigaw. Gustong sumabog sa saya nitong puso ko. Grabe ! ito na ata ang pinakamasayang salitang narinig ko ever sa buhay ko ! ang sabihin ng mahal ko na mahal din nya ako.
“ louise ? are you alright ? ” tanong nya bigla sakin.
“ Mahal din kita !!! ” sigaw ko bigla. Opps. Wrong timing ba ako ? bakit kasi bigla kong nasigaw yun eh.
Sabay natawa lang sya sa sinabi ko. Parang dati nung sumigaw ako ng ‘ I DON’T MIND ’.
“ kung hindi pa kita dinala dito , hindi pa siguro tayong mag aaminan at gagraduate na kami lahat wala padin tayong sinasabi sa isa’t isa. Diba ? ” sabi nya habang nakangiti.
“ oo tama ka .” sagot ko naman. Blushing pa din. Kaasar !
“ masaya ako , salamat naman at mahal mo din pala ako. Akala ko , unrequited love din ang nararamdaman ko tulad ng kay julian. Akala ko mababasted din ako eh . well , iba talaga ang karisma
ng isang prinsipe diba ? ” sabi nya sabay smirk.
“ BALIW ! ang yabang mo na naman !! sana pala hindi ko na din sinabi sayo yun !! ” sigaw ko naman.
“ wala nasabi mo na eh. So , ikaw at ako ay .. tayo ay ?? ”
“ tayo ay ?? ”
“ tayo na ba ? so girlfriend na ba kita at boyfriend mo na ba ako ?? ”
Sabay natawa ako lang ako ng malakas. A giggle laugh. Para akong bumalik sa pagkabata bata ! haha
“ oo ! tayo na nga at official girlfriend mo na ako at official boyfriend na kita.” Sagot ko naman habang natatawa pa din.
“ YES !! ” sigaw naman nya habang nagtatalon sa tuwa.
“ pero may mga condition.” Singit ko bigla.
“ huh ? ano naman yun ?? ”
“ maging honest tayo sa isa’t isa. Ayoko ng araw araw nagdedate baka kasi magkasawaan. Kung may mga problema sana pag usapan natin ng maayos ..”
“ parang ang dami mo ng alam sa ganto ah.”
“ nabasa at napanuod ko lang .. ha , ciel ? ok lang ba sayo ? ”
“ oo naman .ok na ok sakin ..”
“ okay deal.”
“ deal .. teka , may gusto pa pala akong itry. ”
“ itry ? ano yun ??? ”
“ close your eyes and be very still .”
And then he kiss me. He kiss me very gentle and full of emotions. Simula sa araw na ‘to , ako’y sakanya at sya’y akin. 16 yrs. Kong hinintay ang mangyari ‘to. Ang magmahal at mahalin ng isang tao. Kahit hindi ko masasabing isa ‘tong forever masaya na ako. Enough for now.
“ hindi ako mangangako sayo. Sa halip gagawin ko na lang lahat ng magagawa ko. I’ll try to be good for you. I’ll try to behave , I’ll try to do anything para di mo maisip na iwan ako ..” sabay tumawa sya.
Na guilty ako bigla , para di ko maisip na iwan sya ? kahit hindi ko isipin yun kailangan ko pa ding gawin. pero , susulitin ko muna ang mga oras na nandito sya’t kasama ko.
“ opo . ako din , gagawin ko din ang lahat. Pero wag mong susubukang lokohin ako ! hindi mo alam kung anong pwede kong gawin , kayang kaya kitang patayin kahit anong oras ko gustuhin.”
“ haha takot naman ako ! li ka nga dito ” sabay yakap sakin. “ wag muna nating isipin ang future. Nasa present pa lang tayo oh ! ang mahalaga mahal mo ako’t mahal kita ..”
“ and so .. ”
“ the black prince fell inlove with the stubborn thief.”
Sabay niyakap ko din sya ng mahigpit. Happy ako , kahit for now lang. masaya akong makasama sya. sana lagi na lang ganto. Yung masaya at parang walang pinoproblema .