Chapter Twenty Four : I can SING ?
Ang daya talaga , isipin mong panaginip lang pala yun o baka nangangarap lang ako nun. Pero disaster din yun kasi nireject ko sya dahil lang alam kong may naghihintay sakanya. pero pano kaya kung totoo talaga yun ? ano ako dito , substitute ? tsss =.=
Anong oras na ba ?
Dubirubirubiru raffa .. Kaira’s Calling ..
“ ah hello , oh kaira bakit ? ” tanong ko agad pagkasagot ko ng tawag.
“ anong bakit ? 8pm ang talent show . alam mo ba kung anong oras na ? ” sigaw nya.
“ hindi eh .. nakatulog pala ako sa bahay dahil sa pagod.”
“ Nako naman !! Chihaya Louise Perrault , 8:45 na !! 5 contestants na lang ikaw na !! ”
“ ehhh ?? oo sige , wag kayong mag-alala . dadating ako ! ” sabi ko sabay end call.
Hala , hindi pala ako nakapag alarm. Mag aayos pa ko .. hay saka na nga yun ! bahala na !!! ><
Kaira’s POV
Naku naman louise , asan ka na ba ? anong oras na ..
“ ma’am , pwede nyo po bang irequest na gawing pang last na lang ang class 3A ? ” tanong ko sa teacher namin.
“ bakit , wala pa ba si louise ? ” tanong naman nya sakin.
“ wala pa po eh ..”
“ naku naman , osya sige sasabihin ko lang.” saka sya lumakad.
Nasa loob kami ng theater nitong school. Halos lahat ng estudyante kasya at kayang kaya iaccomodate nito. Madami na ding tao ang nanunuod , syempre labanan din to ng mga klase. Kailangan ng full support para manalo. Kaya lang yung pambato namin wala pa din hanggang ngayon eh ..
“ kaira , sa tingin mo makakaabot pa kaya si louise ? ” tanong sakin ng kakambal kong si mina.
“ hay nako mina. Hindi ko alam sa babaeng yun .. pero sigurado naman akong hindi nya tayo bibiguin tandaan mo sya pa din ang nag iisang black phantom sa mundo.” Sagot ko naman ng pabulong.
“ tama ka ..”
Hanggang natapos na ang last contestant . na akala namin tapos na pero biglang ..
Louise’s POV
SAFE !! HAHA. Nagawa kong matapos ang pagmemake up sa tamang oras ! haha .
“ kamusta girls , ok na ba kayo ? ” tanong ko sakanila
“ oo naman louise ^^ ”
“ ok . it’s show time ^.^ ”
Isa isang namatay ang mga ilaw. Kasabay nun ang pagtugtog namin at ang pagkanta ko.
[np : Playing God by : Paramore ]
Naririnig ko ang sigawan nila. Ang bawat pagsabay nila sa kanta ko, nakakawala ng nerbyos. Sa tingin ko nga , inieenjoy ko lang ang performance na ‘to eh na para bang katuwaan lang ang lahat habang nasa karaoke kami.
Ng matapos ang tugtog , nagpalakpakan at nagsigawan ang lahat. Hindi ko akalaing masisiyahan sila sa ginawa ko. Salamat naman.
“ ok , ito na po ang result. Mula sa judges at sa mga manunuod ang nagwagi po sa talent show na ito ay walang iba kundi ang Class 3A !! ”
Class 3A ! kami yun ! nanalo kami ! yey !!! ^^
“ gusto ko lang magpasalamat sa mga baliw kong kaklase ! at dun kay pareng paknot ! kung hindi mo sinigaw ang pangalan ko kay ma’am hindi sana tayo nanalo ngayon !! haha thank you po !! salamat salamat !! ^O^ ” sigaw ko sa lahat.
Ang saya ko naman ! ^^ hayys , hindi ko alam na may talent pala talaga ako sa pagkanta at pagtugtog astig ! XD
“ at ito na po ang hinihintay ng ating madlang girls , ang ating special guest for this year School Festival , si Ethan Jaid ! ” sigaw bigla nung host.
Ethan ? what ? sya yung , lalaking nakausap ko kanina na nagaspang ko ata. Hindi ko akalaing isa pala syang , Artista. Hindi ako makapaniwala , kaya pala nakashades sya. hindi ko nga pala na describe yung itsura nya. Matangkad sya , Gwapo , Maputi , Medyo kulot ang buhok nya at may pagka brown. Pouty Lips sya at nung makita ko sya nakasumbrero at nakashades sya. pero kung tatanungin nyo ako kung sinong mas gwapo sakanila ni ciel , well amm .. Si ciel pa din syempre.
Ibang klase kasi ang kagwapuhan ni ciel eh. Nung first time ko syang makita akala ko nga nun nakakita ako ng totoong prinsipe eh. Matangkad talaga sya , Maputing maputi parang vampire. Tapos , medyo may pagka blonde yung buhok nya , red lips din sya ! basta a prince charming look ika nga nila , pero hindi ko akalaing ang prinsipe na akala ko parang sa fairytale eh isang masamang prinsipe pala. Nagkamali ako , pero isa akong tanga para mahulog sa kanya.
After nun , hindi na ako nanuod ng performance ni ethan kung sino man sya. palabas na ko ng may humarang saking lalaking may hawak ng isang malaking bouquet ng bulaklak.
“ congrats nga pala , ang galing mo kanina.” sabi sakin.
“ ikaw ba si prince charming ? ” natanong ko bigla.
“ huh ? anong prince charming ang sinasabi mo ? nababaliw ka na naman cat’s eye” sabi nya sabay bigay sakin ng bulaklak.
“ ah , ikaw pala yan . haha pasensya ka na , naghahallucinate na naman ata ako ” sagot ko sakanya.
“ hindi ko akalaing magaling ka palang kumanta , san mo natutunan yan ? ” tanong nya sakin habang naglalakad kami papuntang school ground.
“ baliw ! natural talent ko na ‘to noh ! ” pagmamayabang ko naman sakanya.
“ HAHA , hindi halata .” sabay tawa nya ng malakas.
“ may itatanong ako ..” singit ko bigla sakanya.
“ osige , ano yun ? ”
“ may balak ka bang magpareserve sa confession café namin? ” tanong ko sakanya ng seryoso.
“ reserve ? hmm . wala , haha bakit mo natanong ? ”
“ mabuti naman , wala lang .”
“ bakit , iniisip mo ba na magcoconfess ako sayo ? ”
“ ahmm . ewan ko , pero masaya na akong hindi . haha ”
“ at bakit ? dahil natatakot ka sakin ? ”
“ hindi ako natatakot sayo , natatakot ako sa isasagot ko sayo. Naiintindihan mo ? ”
“ natatakot ka sa isasagot mo sakin ? bakit irereject mo din ba ako ? ”
Sabay napatingin lang ako sakanya. anong isasagot ko ? sasabihin ko ba yung sinagot ko dun sa panaginip ko ? sasabihin ko bang irereject ko din sya ? ano ?!
“ classified information kasi yun eh . sorry ” sagot ko na lang sakanya sabay upo sa isang bench.
“ bakit feeling ko , irereject mo nga ako. Ayaw mo ba sakin o may gumugulo sa isip mo ? ”
“ parehas .” sagot ko ng seryoso. “ JOKE LANG .. ^^ , basta . tsaka bakit ka naman magcoconfess , eh may girlfriend ka diba ? ” sabi ko na lang.
“ girlfriend ? isipin ko , meron nga ba ? AH ! wala .”
“ iniinis mo ba ako ? gusto mo bang masaktan ” sabi ko sabay tingin sakanya ng masama.
“ hindi promise , wala nga. Pero meron akong mga flings. Puro flings lang , wala pa kasi akong balak pumasok sa relasyon nun.” So , ito pala ang dahilan kaya sya tinawag na black prince.
“ so your like a womanizer huh ? ” sagot ko sakanya.
“ womanizer ? wooh ! well sort of . pero nagbago na ako ha ! nakikita mo naman diba ? ”
“ NO ! ang babaero , babaero pa din kahit san mo tignan ! ”
“ at least wala naman akong girlfriend nun ! I’m free , so anong problema dun ? ”
Sabay tinitigan ko sya ng masama na para bang jinujudge ko sya sa isip ko lang. may point sya dun , single sya kaya nya nagagawa yun. he’s like a bachelor kaya lapitin sya. anong bang nirereklamo ko ?
“ okay .” sagot ko na lang. “ are you still virgin ? ” tanong ko bigla.
“ what ?? Hell YES !! grabe ka naman magtanong ! I’m only 17 remember ! ” sagot naman nya.
“ ah , yeah .. oo nga pala.” Sagot ko naman sakanya sabay tawa.
“ nagbabar hopping lang kami. Party party , drink different liqours , having fun that’s all pero I never try that thing . ever ”
“ haha , offensive sya ! hohoho .. nakow ! ”
“ maniniwala ka ba sakin o hindi ? ”
“ ok ! ok ! fine ! .. hindi mo naman kailangang magalit ng ganyan sakin. I’m just messing with you ”
“ I see ”
“ galit na sya , galit ka na sakin ? ” tanong ko sakanya ng naka ngiting wagas. Nang aasar lang XD
“ no , ofcourse not. Why should I ? ”
“ talaga ? ” sabay tawa ko ng malakas. Paminsan minsan ang sarap din palang asarin ‘to. So si elisé fling lang nya ? wala ba syang nararamdaman dito ? I thought they were inlove. How come naman na ang isang anak mayaman eh magiging fling lang ng isang walang kwentang lalake na ‘to ? WEIRD.
“ anong iniisip mo dyan ? ”
“ am I one of your flings too ? ” tanong ko pa sakanya.
“ ang dami mong tanong ha ! nakakailan ka na ! ” sagot nya.
“ yes or no ? isa ba akong fling , or not ? ”
“ ofcourse not . diba sabi ko nagbago na ako , ano ba yang iniisip mo ? ”
“ HAHA , OPO ! ^.^ ”
“ hoy , sige magtanong ka pa sakin ngayon. Lahat ng gusto mong malaman sasagutin ko , pero bukas akin na ! ako naman ang magtatanong sayo bukas ? ”
“ TALAGA ??? osige !! deal ! ”
“ Deal ! sige magtanong ka pa .”
“ Birthday , BirthPlace , Fav. Color , food , book , place at number .”
“ ehh ? ok ok , I was born on Sept.13 , 1995 , birthplace London Uk. , fav. Color , black . Book , Romeo and juliet. Place , Subic. Number ? 6.”
“ why london ? I thought you were french ? Weird ..”
“ magtatanong ka ba o magrereklamo na lang ng ganyan ? ”
“ ok , ok why do you like romeo and juliet ? and why 6 ? ” tanong ko pa.
“ well , I guess romeo and juliet are more on true and undying love and actions. Sort of Love between war , very interesting. And 6 , because that was the day I first saw you. The day you accidently fell down from the sky , fav. Day ko siguro yun instead of number. ”
Yun ang favorite day nya ? pano ? grabe .. nahahyperventilated na naman ako ha ! ><
“ are you surprised ? , magtatanong ka pa ? ” tanong nya naman sakin.
“ ahh , well. I guess that’s enough.” Sagot ko naman saka ngiti sakanya.
“ bahala ka , remember tomorrow Is my day and hindi ka pwedeng sumingit ng tanong sakin. understand ? ” sabi naman nya.
“ so , parang interrogation day pala bukas ? ”
“ yeah . you got it ! ”
“ tss . childish thought from a childish man.=.= ” Sabi ko ng pabulong.
“ I heard that ! ” sigaw nya.
“ oh ! ” sabi ko sabay tawa ng patago.
Maglalakad na sana ako pauwi ng bigla syang sumigaw bago pumasok sa kotse niya.
“ bukas nga pala if you don’t mind , can I give you a ride ? ” tanong nya sakin.
“ why ? I can handle myself. Marunong akong pumunta ng school ng mag isa nuh ! ” sagot ko naman.
“ basta .. bukas ha ! I’ll be there on 7 in the morning . bye ” sabi nya sabay pasok sa kotse then alis.
Ok , that ‘s weird, susunduin nya ako . my gosh ! ><” bakit ? bakit ??? XD