Chapter Twenty Eight : The Sun
Urgh ! Wrong Move !! , nakalimutan kong iiwasan ko nga pala ulit sya. pero ano bang ginagawa ko dito ? bakit ako nandito at nakikipag saya kasama nila ??
“ Louise ! let’s go !! we’re playing beach volleyball na !! ” sigaw ni elisé sakin.
Nga pala , niyaya kami ni elisé na magbakasyon sa rest house nila sa cebu. Homecoming party na din yun para sa sarili nya at para sa mga bago nyang kaibigan at kasama na din ang mahal nya.
“ hindi ayoko , kayo na lang .” sagot ko naman sakanya ng medyo ngiting pilit din.
“ okay , just call me if you change your mind ha ? .. ” sabi nya sabay takbo papunta kala kate.
Kasama ko ang buong tropa ngayon. Sila Micah , Rio , Kaira , Mina , Kate , Julian at Ciel syempre.
Kasama ni elisé na naglalaro ng beach volleyball yung mga ibang babae , samantalang sila rio naman naliligo. Lahat sila busy ah . makaalis nga muna.
Kinuha ko yung jacket ko saka naglakad palayo. Cebu ‘to kaya kabado ako sa mga sasabihin ng mga tao sakin. syempre , bisaya sila tagalog ako. Perhaps , mag eenglish na lang ako’t magpapanggap na foreigner ng sa gayung mapilitan din silang mag english at magkaintindihan kami diba ? haha. Loka talaga ako ! XD
Naglakad lakad muna ako sa paligid nung resthouse. Grabe din ang mga tabing bahay nila. KALAKI ! super ! halatang mga mayaman. Oh well , lakad lakad ulit muna ako. Nakasuot nga pala ulit ako ng sleveless na white dress , sama mo pa pati yung summer hat na dala ko nung pumunta kami ni daddy ng palawan. Nagdala ako ng jacket kasi hindi pa ko ready na umitim eh. Haha asan na ba ako papunta dito ?
“ excuse me ? ” tanong ko sa isang mama.
“ unsa man ? ” tanong naman nya sakin.
“ ahh , --” hindi ako makapagsalita. Anong sasabihin ko ? itutuloy ko ba yung plan b ? hindi , nakakaintindi naman siguro sila ng tagalog diba ? sana nga.
“ unsa man day ? ” tanong ulit nya sakin.
“ sorry po , tagalog po ako. May alam po ba kayong kainan dito ? ” tanong ko naman sakanya.
“ ahh , nangita man kang kainan , didto lagi .” sabay turo nya dun .
“ ah , da-daghan salamat po .” sabi ko naman sabay ngiti sakanya. wossh ! dahil pinagpawisan ako , maghahanap muna ako ng mabibilhang inumin.
Nakarating ako sa isang Snack Bar na kulay puti at medyo madami ding foreigners ang nakatambay. Umorder ako ng float. Pantanggal uhaw saka ako umupo sa may labas. Maya maya may biglang umupo dun sa table ko. Edi napatingin naman ako sakanya.
Isa itong lalaki. Mukha itong foreigner , at aamin ko ng Gwapo nga ito. Nilapag agad nya yung laptop nya saka nagsimulang magtrabaho. Mukha lang akong timang na nakatitig sakanya ng bigla syang nagsalita sakin.
“ sorry for being rude , don’t you mind if I sit here with you ? ” tanong nya sakin.
Oh my , he was staring at me. He’s brown gold eyes are staring at me ! . speechless ako. Grabe ! XD
“ ah , that’s fine. I didn’t mind.” Sagot ko naman sabay ngiti.
Then nagumpisa na ulit syang humarap sa laptop nya’t nagsimulang magtrabaho like I didn’t exist in this world. Wait , he’s kind of familiar. Maybe kasi may kamukha sya ? yes !
Kamukha nya si ciel ! tama ! medyo , matured lang . kasi , he’s like a living adonis. Macho , Maputi , Gwapo. Matangkad. At syempre , His voice .. is so mesmerizing. Gosh ! stop it Louise !
Nilagay ko na lang yung earphone ko para madistract. I was playing chopin’s nocturne again. practicing every note of it. Napapagalaw na din ang mga kamay ko na para bang tumutugtog ako sa exact piano. Though it’s a little bit crazy to think , well I didn’t mind kasi feel ko talaga yung music.
“ do you play piano ? ” he interrupted me.
“ I’m sorry , What ? ” tanong ko sakanya sabay tanggal ng earphone ko.
“ I said , do you play piano ? ” sabi nya ulit.
“ ohw. yes , I guess .” sabi ko sabay ngiting pilit. Akward ! pero , astig ! kinausap nya ako.
“ can you play for me ? just once please. ” sabi nya.
“ huh ? where ? ” tanong ko naman. As If naman noh , ano susundin mo sya ?
“ follow me , ” sabi naman nya sabay tayo at kuha ulit ng laptop nya.
Ang tanga ko naman para sundan sya , shit ! pano kung modus operandi pala ‘to ? pano kung may gawin ‘to saking masama ? oh well as if namang natatakot ako ! haha.
“ is this fine ? ” tanong nya sakin.
Dinala nya ako sa isang simbahan. Maganda yung simbahan at sosyal ! hindi organ gamit nila dito , a real acoustic grand piano. Wow ! ang yaman.
“ yeah. This is fine. So , what song do you want me to play ? I can play chopin’s nocturnes. If you want. ” sabi ko naman. Tanong ko lang , kailangan ko ba talagang mag english ng ganto ?
“ sure , anything. I just want to relax.” Sabi nya sabay upo dun sa upuan.
Pagkatapos kong tumugtog dito ,lagot ka sakin ! tatanungin talaga kita ng bonggang bongga.
Edi umupo na ako at nagumpisang tumugtog. Nocturnes Op. 9 No. 2 in E-flat. By : Chopin.
Ito ang tinutugtog ko. Very peaceful at ang sarap sa pakiramdam.
After kong tumugtog , tumingin lang ako sakanya na para bang naghihintay ako ng salita mula sakanya. Sige na , sabihin mo na sakin kung sino ka ba talaga !
“ thank you , it’s good. ” sabi lang nya.
“ hey , you ask me to play for you right , then can I have one favor in return ? ” tanong ko naman sakanya.
“ one favor ? and what’s that ? ”
“ can you tell me why ? , bakit mo ako pinatugtog kung pwede ka namang makinig sa music player mo? ” urgh ! nagtagalog tuloy ako ! amp ! naintindihan nya kaya ?
“ so , you’re a filipino ? ” tanong nya , sabay nagsmile sya na parang nang aasar. Then nag nod lang ako as a sign of yes. “ aw sorry , that’s the second time I’ve been rude to you. Well , gusto ko kasing makarinig ng Live Music for relaxment eh.” Sagot naman nya.
“ NAGTATAGALOG KA ??!! ” sigaw ko sakanya.
“ well , yes. A little bit I guess. I’m a half filipino , I can speak tagalog slight. Kaya sorry kung nahirapan ka. ” sabi nya sabay ngiti ulit sakin. wooww .. may naaalala ako . Ciel ciel ciel .. ikaw ba yan ?
“ hindi no ! that’s alright. ” sabi ko naman. Sabay napatingin ako sa orasan sa taas ng pader ng simbahan. “ oh ! 5pm na pala . sorry mister , but I’ve got to go now .. it’s nice meeting you .”
“ wait , can you tell me what’s your name is ? ” tanong nya bigla.
“ my name is Louise. Louise Perrault.” Sigaw ko sabay takbo.
Sabay tumakbo na ako pabalik ng rest house. 5pm kasi mag uumpisa yung party ni elisé eh.
Kapag wala dun si ciel , iisipin kong sya talaga yung nakausap ko dun na medyo nag disguise lang sya! haha.
Pagdating ko , nag aayos na sila sa reception. Medyo bihis na din sila micah para sa party kaya naman pumasok agad ako sa kwarto ko’t naligo muna bago magbihis. Medyo late na ko’t nag uumpisa na sila sa labas. Blinower ko na lang yung buhok ko saka ko ito inayos. Nakasuot ako ng Baby blue gown dahil yun ang motif ng party. Hindi na ako nagmadali sa pagbibihis dahil alam kong boring yun at wala naman akong gagawin masyado. Bukod pa dun , baka makatabi ko pa si ciel or si julian. Ayoko nga ! haha Mababaliw ako ! Pero , makita ko kaya ulit si ciel number 2 ? gwapo talaga sya ha !
Grabe nakakasira talaga ng bait ang mga gwapong lalaki ! XD
“ san ka ba galing ha ? ba’t ang tagal mo ? ” tanong sakin ni micah. Medyo concern naman yung pagka sabi nya pero parang galit eh.
“ wala , nakalimutan ko lang yung oras.” Sabi ko naman. Hindi ako nagbibiro , huminto kasi yung oras kanina sakin eh . haha LANDI ! xD
“ di bale na nga , nagugutom ka na ba ? kanina pa nagsimula ang kainan.” Sabi nya naman.
“ di bale na lang , busog pa ako.” Sagot ko naman sabay tingin tingin sa paligid.
Ang bilis nilang makaayos dito ha. Ang dami ding bisita. Nakakatakot , para silang mga kakakain ng mga ordinaryong tao.
Maya maya , naputol muna ang kasiyahan dahil sa magpeperform ngayong gabi. Nagulat ako sa narinig ko dahil , ang blanc brothers daw ang tutugtog. Blanc brothers ? hindi nga ?
Sabay silang nagpakita , may hawak si ciel na violin pati na din ang lalaking kasama nya. Teka , sya yung. Sya yung ! SYA NGA YUNG LALAKI KANINA !!!!! kapatid sya ni ciel ? sya ba si jerome ??
“ we meet again .” sabi bigla ni jerome sabay lapit sakin. “ we need a pianist ..” sabi nya.
“ who , Me ? ” tanong ko sabay turo sa sarili ko. Lahat ng bisita napatingin sakin , lalo na si ciel.
Syempre magtataka sya kung pano kami nagkakilala ng kuya nya diba ?
“ yes ” sagot nya agad sakin. sabay hila papunta dun sa piano.
“ Ano ‘to ? , ano bang binabalak ng kuya mo ? ” tanong ko kay ciel ng pabulong.
“ who knows , marunong ka ba talagang mag piano ? ” tanong nya sakin.
“ huh ? depende kung anong tutugtugin. Ano bang tutugtugin nyo ? ”
“ Piano trio in E flat Op. 100 by Franz Schubert. Kaya mo ba yun ? ”
“ what ? kung alam nyo naman palang yun ang tutugtugin nyo edi dapat sana naghanap na kayo ng pianista nyo ! hindi yung bigla kayong manghihigit dito ! ” sigaw ko naman.
“ nagawa na namin yan , kaso nawala bigla yung pianista dapat namin eh. Kaya mo ba ? ”
“ oo . kaya , siguro ? ”
Sabay umupo na ko’t sumenyas ng tumugtog. Tumutugtog kami ng may buong puso. Para sa mga bisita at lalo na para sa sarili namin.
Pagkatapos nun , pinalakpakan kami ng lahat. Hindi na ako nagtagal sa tabi nila sa halip , umupo na lang ako sa isang lamesa sa dulo tsaka doon kumain. Nahiya ako , hindi dahil hindi ako magaling kundi , nakakahiya lang talaga. maya maya , unang tumabi sakin si ciel na dapat iniiwasan ko ngayon.
“ magkakilala pala kayo ng kuya ko ? ” tanong nya sakin.
“ ha ? hindi naman , kanina lang kami nagkakilala. Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan nya eh.” Sagot ko naman sabay inom nung soda.
“ talaga , mabuti pa sya alam nyang tumutugtog ka .. eh ako , ngayon ko lang nalaman eh mas matagal na kitang kilala .” sabi naman nya sabay pout.
“ Tumigil ka ! ” sigaw ko sakanya sabay duro. “ Ikaw , kung sino ka mang kakaibang nilalang na sumapi sa katawan ni ciel pakiusap umalis ka na .. Alis , Alis , Alis ” pang aasar ko na parang may pinapalayas akong masamang elemento mula sakanya. then tumawa lang sya na parang wala lang , edi natawa na din ako.
“ ngayon lang ulit kita nakausap kaya medyo namiss kita ^^ ” sabi nya sakin bigla.
“ owws ? namiss mo ko ? Mukha mo ! eh nageenjoy ka nga kanina eh ! ” sabi ko naman sabay irap sakanya.
" Haha , nagseselos ka ba samin ni elisé ? tanong ko lang .” tanong nya bigla sakin at parang nang aasar pa.
“ HINDI ! eh sino ka ba para pagselosan ko ? ” sabay irap ko ulit.
“ kung alam mo lang na ang tagal kitang hinanap kanina , kung alam mo lang sana na gusto kong maglakad lakad kasama ka ..”
“ at bakit mo sinasabi sakin yan ? ”
“ edi para malaman mo ..”
Napatingin lang ako sakanya , nanlalaki ang mga mata na parang walang balak maniwala.
Hinanap nya ako ? gusto nya akong makasama ? totoo ba yan ? o nanbobola na naman sya dahil trip nya ako ?
“ EWAN KO SAYO !! ” sabi ko sabay takip ng mukha.
Maya maya , may umupo namang isa sa gilid ko. Kabado ako , si julian ba ‘to o si elisé ?
“ hello ..” sabi nung boses. Yung boses na narinig ko kanina lang sa snack bar. Yung mesmerizing voice ! oo yun nga !!
“ oh ikaw pala kuya , nga pala sya si louise ..” pakilala ni ciel kay jerome.
“ I know , sorry nga pala louise nakalimutan kong sabihin ang pangalan ko . well my name is Jerome Soleil le Blanc. Ako ang kuya ni ciel . I’m 21 years old.” Sabi naman nya.
21 yrs. Old ? 4 years ang tanda nya sakin ! sayang !! >< . “ ah hello din.” Sagot ko naman.
“ pano kayo nagkakilala ni louise kuya ? ” tanong ni ciel sakanya.
“ ah , that’s because I ask her to play a song for me. ” sagot naman nya.
“ she did ? ang daya !! T^T ”
“ stupid ciel ! wag ka ngang umastang parang bata dyan ! para kang timang ! ” sigaw ko naman sakanya.
“ unfair kasi eh ! tugtugan mo din ako ! all this time na kasama kita hindi mo man lang sinabi sakin na you’re a good pianist pala ! ” sabi naman nya.
“ so ? well nakwento ko naman na pianist ang mommy ko diba ? so anong aasahan mo , malamang pianista din ang anak nya ! STUPID ! ”