Chapter One :
Chapter One : Me , Myself and a thief named Black Phantom
“ BEEP .. BEEP ..” tunog ng alarm clock ko .
It’s Monday na pala ulit kaya pala nag iingay ulit ang orasan na to ! well kung sabagay Monday is the worst day ever for the students like me. Wala kasing katapusan ang pag aaral eh ! walang break pag gusto mong magpahinga ! ang hirap maging estudyante ! pero kulang pa ang idadakdak ko sa kakareklamo ko kung gaano kaboring ang bawat pagpasok sa school ! diba ? ^^
“ LOUISE, breakfast na ! hurry up and let’s eat. ” sigaw naman ng dad ko .
Ok , it’s time for the orientation na .. my name is Chihaya Louisé Perrault. 16 yrs. Old , 3rd yr. highschool sa isang private school . hindi ko na sasabihin ang itsura ko pero alam kong maganda ako , at matangkad . kaya madami na ding nagtataka at hindi naniniwala na 16 lang ako , pero wala silang magagawa dun ! eh ganun talaga eh ! XD meron lang akong daddy at sya lang ang kasama ko sa buhay. My mom passed away when I was six years old and it’s almost 10 yrs. Na rin pala noh ?
My dad’s name is Nash Perrault. Half british at half filipino sya . you know what ? he’s a famous novel writer . kilala at nirerespeto ng lahat. Akala nga nila strikto sya at seryoso eh pero oo hindi sila nagkakamali dun pero mahal na mahal ako ng daddy ko . he love me so much like no other in this world and I love him too naman.
My mom is a half japanese kaya nga chihaya ang first name ko eh . her name is Marie Alison Perrault. They say that laking england ang mama ko at siguro dun sila nagkakilala ng papa ko at dun nabuo ang love story nila pero let’s skip that part . bukod pa dun , masaya naman kami ni papa kahit kami lang dalawa pero iba pa din kapag may mommy ka .
“ oh , malelate na ako .. bye dad ! ” sabi ko sa daddy ko sabay kiss sa cheeks . then umalis na ako.
St. sistine academy , this is where I study . elusive and kind of elite school . very strict sila dito at hindi biro ang mga nag aaral sa school na to . merong anak ng mga businessmans , politicians , actress , actors , singers , at lahat ng may kinalaman sa industriya . kaya don’t ask kung may makasalubong man akong mean girls or bully boys dito .
“ good morning ms. Louise ” bati sakin ng mga babae from freshmen to juniors.
“ well good morning din girls , kamusta ang naging tulog nyo ? boring ang Monday noh ? ” sagot ko naman sakanila .
“ hindi po nagiging boring kapag nakikita namin kayo ms. Louise ..” sagot naman nila sakin with twinkle eyes.
“ huh ?? heto na naman tayo ..” bulong ko sa sarili ko . “ oh well salamat , naappreciate ko yung mga sinabi nyo . pero oras na kasi para pumasok kayo .. ok ? ” .
“ sige po.. babye miss louise ..^^ ” sagot nila sabay alis .
Nagtataka ba kayo kung bakit ganun sila sakin ? yun ay dahil sikat ako sa mga babae . hindi ako tibo ha ! ewan ko pero humahanga daw kasi sila sakin eh , siguro dahil na rin yun sa pagiging karate master ko . yup , champion ako sa mga karate tournament . bukod pa dun , isa din akong top notcher. Matalino at malakas . yun siguro ang dahilan kaya ganun sila sakin.
Sa ngayon , pumasok na muna tayo sa klase ko ! it’s GEEK TIME ! Oyeah !
“ good morning miss emerald ” bati namin sa teacher namin. As usual with matching yuko pa yan.
“ good morning din class , well please sit down . it’s Monday kaya another lesson na naman tayo. Kaya please , I need your cooperation everyone . just listen and be quiet ok ! hindi na kayo mga bata!” sagot naman ni teacher.
Nga naman , hindi na nga kami mga bata . pero ‘tong ibang classmate ko daig pa grade 3 kung magkwentuhan sa mga kaganapan sa kapaligiran ! makapagkwentuhan wagas! Kala mo walang bukas ! psshhh .. -.-
“ ui, narinig nyo ba may bago na naman daw kinuha si black phantom ! ” bulong nung isang classmate ko .
“ talaga ? anong painting naman kaya ? ” tanong naman nung kausap nya.
“The Luncheon on the Grass by Édouard Manet , yun ang pagkakaalam ko at alam mo ba nakuha nya yun sa isang mayamang negosyante na isa rin palang corrupt ! pero ibinalik naman daw nya yung painting sa museum kung saan ito talaga nakalagay. ”
“ ang bait nya noh ? naiinlove na talaga ako kay black phantom !! ”
Naiinlove ? hindi nyo alam kung anong sinasabi nyo ! delikado kayang mainlove sakanya ! ano ba kayo mga classmates !! hindi nyo ba alam na babae si black phantom ! at ako yun ^^
You heard it , ako at si black phantom ay iisa . part time job ko eh ang magnakaw ng mga ninakaw na mga gamit. Mabait naman ako at lahat ng ninanakaw ko eh isinasauli ko naman sa totoo at tamang may ari. Pero minsan hindi ko lang maiwasan na parusahan ang mga taong nasa likod at may kaugnayan sa crimson. Isang grupo ng mga sindikato na pasimuno ng mga nakawan ng mga paintings, artifacts at jewelries na agad nilang isinusubasta sa mga mayayaman at makapangyarihang tao dito sa buong mundo . para na nga akong pulis eh . pero buti na lang at hindi nila alam na babae si black phantom. Akala kasi nila lalaki ako . hindi na ko maiinsulto sa halip eh magpapasalamat pa ko. Kasi dahil dun malaya kong naitatago ang totoo kong pagkatao bilang louise.
“ ehemm .. ehemm ..” sabat ng teacher ko . “ hindi ba kayo nakikinig kanina ? sabi ko diba LISTEN & BEHAVE ! eh anong ginagawa nyo ? nagkwekwentuhan kayo sa gitna ng klase ko ! you ! and you ! get out of this classroom ! NOW ! ” sigaw nya , sabay nagtayuan sila at lumabas.
Ayan kasi , wala talaga kayong panama kay ms. Emerald ! iba talaga ang bagsik kapag matandang dalaga ka na ! pero bakit ba masyado akong echusera ? haii naman ! -.-”
9:30 am na nung matapos ang last na klase . well recess na namin kaya pumunta na ako sa caféteria para kumain. Umupo ako sa harap ni micah at rio.
“ kamusta ? natulog ka na naman ba sa classroom nyo ? ” tanong sakin ni micah.
“ ANO ?? hindi ah ! nakinig ako sa teacher ko ! at sa mga nagdadaldalan ! ^^ ” sagot ko then smirked.
“ nagdadaldalan ? about kay black phantom ? nakinig ka na naman para malaman kung anong tingin nila sa kanya tama ? ”
“ well , oo ..” sabay ngiting pilit.
“ nababaliw ka na talaga ! ”
“ ang sama mo ha ! tinuring kitang bestfriend ko pero ganyan ka magsalita sakin ! Rio! Ipagtanggol mo naman ako !! ” sigaw ko sakanila.
“ sorry louise busy pa kasi ako sa gadget na kinacalculate ko eh , next time na lang siguro hayaan mo na lang yang si micah na inisin ka sa ngayon mamaya babait na yan ^^ ” sagot naman ni rio na busy busy sa pagbabasa.
“ psshh . fine ” sagot ko na lang .
Meet Michaella Laurelle o ‘micah’ . she’s my bestfriend since I was 4 yrs. Old , tagal na nu ? professor kasi ang daddy nya at magkaibigan sila ng daddy ko . maganda sya , kaso cold . emotionless pero sakin lang nya nagagawang ngumiti at maging normal . super talino din sya ! kilala sya sa campus bilang “ GEEK PRINCESS ” at sya din ang vice president ng student council. pero hindi alam ng iba eh sya ang top reseacher ng “NOIRE” ang organisasyon kung saan nagtatrabaho si black phantom. Trabaho naman ni micah ang maghanap ng impormasyon tungkol sa mga susunod na hakbang ng crimson.
Meet Rio Tenorio . kaibigan ko din sya at tulad ni micah nagtatrabaho din sya sa “NOIRE” bilang isang scientist. Sya naman ang gumagawa ng gadgets na kakailanganin ko sa bawat misyon. Communicators, vehicles , madami pa pero hindi mawawala ang stun gun ko . hindi naman nakakamatay pero ang bala nito ay nagtataglay ng sleeping chemical na kung saan agad agad makakatulog ang matatamaan for 12 hrs. astig nu ? besides being a highschool student eh nagagawa naming magtrabaho sa mga delikadong misyon.
“ dumaan na lang kayo sa headquarters mamaya . mauna na ako .. ” sabi ni micah with cold voice.
“ ok sige , see yah ! ” sagot ko na lang .
Mukhang may bago na namang misyon si black phantom ah . walang katapusang misyon. Pero exciting dahil hindi mo alam kung sinong halimaw ang makakaharap mo . sa isang pagkakamali lang eh maari kang mahuli at mapatay ng di inaasahan. Kailangang magingat , kailangang maging alerto. Dahil sa larong ito buhay ang pinaglalabanan.
5 pm . NOIRE headquarters ..
“ bonjour , black phantom . ” sabi nung lalaki na nasa isang malaking flat screen na tv na hindi kita ang mukha.
“ bonjour , mr. noire .. ” sagot ko naman sakanya.
Si Mr. Noire ang boss ko . sya ang nagpasok sakin dito at nagbigay ng trabaho bilang black phantom. Malaki ang sweldo nya sakin ha ! hindi ko na sasabihin kung magkano kasi baka mainggit pa kayo pero kahit kailan eh hindi pa nya ipinakita ang totoong mukha nya samin. Very mysterious kaya mahirap kilalanin.
“ ibibigay ni apple ang mga details sa next mission mo , good luck at sana magtagumpay ka .. yun lang ” sabi nya sabay biglang namatay yung tv.
Nga pala , nickname ni micah yung APPLE. GLASS naman si rio . ewan ko kung bakit ganyan yung mga pangalan nila basta pang protection lang daw yan yun ang alam ko .
“ black phantom new mission. painting : young woman with a water pitcher by Johannes Vermeer. Current owner : mr. lim , major stock holder of central enterprises. ”
“ sandali , ano naman ang kinalaman nya sa crimson ? ” tanong ko naman.
“ sya ang nakipagusap sa crimson na kunin ang painting na yun para idisplay sa library nya. He wants it for hiself. Dahil alam nyang hindi nya ito makukuha dahil nasa pangangalaga ito ng Metropolitan Museum of Arts inutusan nya ang crimson upang nakawin ito at bilhin sa halagang .. $ 300,000,000 ”
“ wow , stock holder lang sya pero nakakuha sya ng ganung pera ? at ang nakapagtataka bakit naman sya maglalabas ng ganung pera para sa isang painting lang .. sounds exciting . ”
“ sounds exciting ? delikado pa din ito . dahil kilala ka na I’m sure napaghandaan na nila ang pagpunta mo kaya mag iingat ka .”
“ yes agent apple .. ^^ I’ll do my best . sino bang kliyente natin ? ”
“ mr. jules , nagtatrabaho sya sa MMA. Mahirap kasing mawalan ng kahit isang painting sa museum eh kaya lumapit na sya sa noire .”
“ ok ok .. kelan ba ang date at time ? ”
“ next Tuesday, 10:53:48 pm ”
“ got It ! una na ako , baka pauwi na kasi si daddy eh ..”
“ ok ingat ..”
Nagpaalam na ako saka umalis. Black phantom had another mission again. Exciting to dahil alam kong malaking pangil na naman ang huhulihin ko at isang kayamanan na naman ang maililigtas ko. Pero gaano ba ako kasiguradong magtatagumpay ako sa paraang gusto at inaasahan ko ? sana lang hindi ako maging tanga at pumalpak sa gitna ng misyon.
“ welcome home dad . kamusta ang book signing mo ? ok naman ba ? ” tanong ko sa daddy ko habang tinutulungang tanggalin ang coat nya.
“ well success naman pero nakakapagod pumirma . meron palang boquet ng rose na ipinadala sayo ng isang reader ko . ” sabi naman nya sabay abot sakin ng rose.
“ bakit sakin ? sino daw sya ? ” tanong ko naman .
“ malay ko , basta ang alam ko para sayo daw yan eh nabanggit kasi kita doon sa biography ko sa last chapter ng book 3 ”
“ talaga ? well salamat kung sino man sya . ”
Kumain kami then nagligpit . naligo muna ako bago ako humiga at nagpahinga. Katawan lang ang napahinga ko pero hindi ang utak ko . excited na kasi ako sa next mission at hindi tumutigil ang utak ko sa kakaisip kung sino ba talaga yung nagpadala ng rose. Kalaban kaya ? may nakakaalam na kaya ng totoong pagkatao ni black phantom ? haist di ko alam ! -.-”